SWAK sa kulungan ang tinaguriang “Spiderman” ng La Loma, matapos mahulihan ng umano’y shabu sa anti-criminality operation ng mga pulis nitong Linggo ng madaling araw sa A. Bonifacio Avenue, Quezon City. Nabatid sa ulat kay Quezon City Police District PCol. Randy Glenn Silvio, DDDA/OIC, kinilala ang nadakip na suspek na si John Christopher Salalila, 19, binata, walang trabaho at residente ng Manila North Cemetery, Brgy. 372, Zone 37, Manila City. Sinabi ni PSSg. Christopher Bermejo, investigator ng QCPD Station 1 La Loma, nadakip ang suspek sa A. Bonifacio Avenue malapit…
Read MoreAuthor: admin 3
TURNOVER KAY TEVES RESULTA NG MAGANDANG RELASYON NG PHL AT TIMOR-LESTE – NBI
MAGANDANG bilateral na relasyon sa pagitan ng dalawang bansa sa Southeast Asia. Ito ang palalarawan ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Biyernes, hinggil sa pag-aresto ng mga awtoridad sa Timor-Leste at pagbibigay sa Pilipinas sa kustodiya ni dating Negros Oriental Rep. Arnolfo ‘Arnie’ Teves, Jr. Sa isinagawang press briefing, sinabi ni NBI Director Jaime Santiago, ang turnover kay Teves ay resulta ng matibay na relasyong diplomatiko na itinatag ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Timor-Leste sa pamamagitan ni President Jose Ramos-Horta. “Sa wakas ay nagpasya silang i-turnover sa amin…
Read MoreFOOD STAMP PROGRAM PALALAWAKIN NG DSWD
NAIS pang palawakin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang food stamp program nito matapos maging matagumpay ang isinagawang paglulunsad ng programa para sa mahihirap na mga pamilya sa bansa. Sa isinagawang pagbisita ni DSWD Sec. Rex Gatchalian sa Food Redemption area sa Tondo, Maynila, sinabi nito na ngayong taon ay magdaragdag sila ng bilang ng mga pamilya na isasailalim sa programa. Aniya, bukod sa naunang 300,000 na bilang ng pamilya, maisasama rin sa walang gutom program ang dagdag na 300,000 sa third o fourth quarter ng taon.…
Read MoreDILG SUPORTADO ANG PAGKAKAHIRANG KAY MGEN TORRE BILANG PNP CHIEF
“WE are confident his leadership will drive transformation, innovation, and strengthen the PNP’s mandate to serve and protect.” Ito ang reaksyon ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla sa pagkakahirang ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. kay PMGen. Nicolas Torre III bilang bagong Philippine National Police chief. Ayon kay SILG Sec Remula, ang desisyon ng Pangulo ay nagpapahiwatig ng masusing pagsusuri sa matibay na kwalipikasyon at maayos na serbisyo ni Torre. Kaya agad na nagpahayag ng kanilang suporta ang DILG sa pagkakatalaga kay Torre bilang kahalili ni PNP Director General…
Read MoreMABILIS NA SERBISYONG MEDIKAL INILUNSAD NG DOH
INILUNSAD ng Department of Health (DOH) ang isang makabagong sistema para sa mas mabilis na serbisyong-medikal sa mga pampublikong ospital. Sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa, ang nasabing sistema ay ang Patient Appointment System (PAS) na inilunsad sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Maynila. Paliwanag ni Herbosa, ang layunin ng PAS ay mapabilis ang pagkuha ng appointment para sa konsultasyon ng mga pampublikong ospital—kasama ang Jose R. Reyes Memorial Medical Center at San Lazaro Hospital. Sa loob lamang ng dalawa hanggang tatlong minuto, puwede nang mag-book online ng schedule…
Read MoreMARBIL, NANAWAGAN NG SUPORTA SA KAHALILING SI TORRE
NANAWAGAN si outgoing PNP chief General Rommel Francisco Marbil, ng supporta kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Police Major General Nicolas D. Torre III, bilang susunod na Hepe ng Philippine National Police (PNP). Si Police General Rommel Francisco D. Marbil ay nakatakdang magretiro sa serbisyo sa Hunyo 7, 2025. Gaganapin ang Change of Command Ceremony at Retirement Honors para kay PGen. Marbil sa Hunyo 2, 2025. Si PMGen Torre, ay opisyal mula sa Philippine National Police Academy (PNPA) “Tagapaglunsad” Class of 1993, at kasalukuyang nagsisilbing Director ng Criminal Investigation…
Read MoreBiazon, ‘di natinag sa kaso; MGA SERBISYO SA MUNTINLUPA UMARANGKADA
SA kabila ng promulgasyong inilabas kamakailan, nananatiling matatag at nakatutok si Mayor Ruffy Biazon sa kanyang mandato bilang Ama ng Lungsod ng Muntinlupa. Tiniyak ng kampo ng alkalde na mananatili siya sa puwesto at ipagpapatuloy ang mga programa at serbisyong nakalaan para sa mga Muntinlupeño. “Hindi ito ang katapusan—bagkus, ito ang panimula ng mas pinalalim at mas pinalawak na serbisyo para sa mga tao,” pahayag ng isang opisyal mula sa kanyang team. Naniniwala rin ang kampo ni Mayor Ruffy na maipapanalo ang natitirang kaso, lalo’t dalawang beses na siyang napawalang-sala…
Read MoreDALAGA SUMABIT SA KAWAYAN SA ILALIM NG ILOG, NALUNOD
QUEZON – Nalunod ang isang babae habang naliligo sa ilog nang sumabit ang katawan nito sa kawayan sa ilalim ng tubig sa Sitio Pusod, Brgy. Casay, sa bayan ng San Francisco sa lalawigan. Kinilala ang biktimang sa pangalang “Rechelle”, 23, isang magsasaka at residente ng nasabing lugar. Ayon sa salaysay ng ina sa pulisya, nangyari ang insidente dakong alas-4:00 ng hapon noong Martes, Mayo 27. Nabatid sa imbestigasyon, tumalon sa ilog ang biktima upang maligo ngunit hindi na ito lumutang. Agad itong hinanap at kalaunan ay nakita itong nakasabit sa…
Read MoreMOTORCYCLE RIDER ITINUMBA NG TANDEM
BATANGAS – Patay ang isang lalaking rider matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang riding in tandem habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Barangay Maraykit, sa bayan ng San Juan sa lalawigan noong Huwebes, Mayo 29. Ayon sa ulat ng San Juan Police, bandang alas-2:45 ng hapon nang sundan ang biktima ng mga suspek na sakay rin ng isang motorsiklo at pinagbabaril. Isinugod sa San Juan District Hospital ang 64-anyos na biktima na kinilala sa pangalang “Ferdie”, taga Brgy. Salao, Rosario, subalit idineklarang dead on arrival ng doktor dakong alas-3:30…
Read More