LALONG nakumbinsi ang Mababang Kapulungan na nilustay lamang ang mahigit kalahating bilyong pisong confidential funds ni Vice President Sara Duterte-Carpio dahil maging ang kaapelyido ng mga senador ay nabigyan ng tinaguriang ‘spy’ funds. Ayon kay House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V, habang naghahanda ang prosecution team sa impeachment trial ni VP Duterte, lalong humahaba ang listahan ng mga kahina-hinalang pangalan na inilista ng tanggapan ng pangalawang pangulo na nakatanggap umano ng confidential funds. “These irregularities are too glaring to ignore—these names from supposed Budol Gang call for a deeper…
Read MoreAuthor: admin 3
Aalisin na bilang requirement BRGY. CERTIFICATE INABUSO SA VOTERS REGISTRATION
HINDI na kakailanganin ang barangay certification sa voters registration dahil bukod sa pinagkakakitaan lamang ng tiwaling mga opisyal at mga partido politikal, napatunayang weaponized ito para sa pansariling interes sa eleksyon. Ayon kay Commission on Election (Comelec) Chairman George Garcia sa ginanap na Manila City Hall Reporters (MACHRA) Balitaan sa Harbour View nitong Huwebes, hindi na kakailanganin ang barangay certificate as proof of residency bilang isa sa requirements para makapagparehistro. Sa nasabing MACHRA forum, sinabing weaponized na at garapal na nagagamit sa pamumulitika ng mga kandidato ang barangay certification. “Yung…
Read MoreMARCOS HINDI PINAKIKINGGAN SA KAMARA
WALANG plano ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na tumigil sa pagpapa-impeach kay Vice President Sara Duterte sa kabila ng paulit-ulit na pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., laban dito. Sa halip, pinuri pa ni Iloilo Rep. Lorenz Defensor ang hindi umano pakikialam ni Marcos sa impeachment trial ni Duterte na sisimulan ng Impeachment Court na ilatag sa susunod na linggo. “I’m glad to hear that the President, as the head of the Executive Department, will not interfere with the impeachment process,” ani Defensor na isa sa 11…
Read MoreGL NG DSWD PWEDE NA SA MERCURY DRUG STORES
SIMULA sa Hunyo 2 ay tatanggapin na sa 92 Mercury Drug outlets sa iba’t ibang rehiyon ang guarantee letters (GLs) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng ahensya at Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP). “We are very pleased to share this good news to our kababayans. This is part of our continuing efforts to help our clients in availing their medicine requirements, in partnership with the Mercury Drug Corporation. Pwede po nilang gamitin itong GL sa pagbili…
Read More9 LOKAL NA TERORISTA SUMUKO SA GOBYERNO
CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao del Norte – Siyam na dating miyembro ng lokal na teroristang grupo ang pormal na nagbalik-loob sa pamahalaan at tumanggap ng tulong pangkabuhayan noong Miyerkoles ng umaga sa himpilan ng 90th Infantry (Bigkis-Lahi) Battalion sa Brgy. Kabengi, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur. Ayon kay Lt. Col. Loqui O. Marco, Battalion Commander ng 90IB, bukod sa livelihood program, tumanggap din ang dating ekstremistang grupo ng cash assistance at tig-isang sako ng bigas mula sa mga lokal na pamahalaan ng Maguindanao del Sur at DOLE Region…
Read More4 pang kaso mino-monitor ILOILO CITY NAGTALA NG 1 KASO NG MPOX
NAITALA ng pamahalaang lungsod ng Iloilo ang unang kumpirmadong kaso ng Monkey Pox, habang apat pa na hinihinalang kaso rin ang kasalukuyang isinasailalim sa obserbasyon. Ayon kay Joy Fantilaga-Gorzal, tagapagsalita ni Mayor Jerry Treñas, lahat ng limang pasyente ay nakatanggap ng nararapat na gamutan. Kasalukuyan namang isinasagawa ang contact tracing upang matukoy ang mga naging malalapit na kontak ng mga pasyente Sa Facebook post, ipinahayag ni Gorzal, na bagama’t wala pang ebidensya ng malawakang community transmission, patuloy ang mga hakbang sa public health para sa kaligtasan ng mga Ilonggo. Tiniyak…
Read MoreLALAKI TIKLO SA SEXUAL ASSAULT
ARESTADO ang isang lalaking tinutugis sa kasong sexual assault makaraang matunton ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa kanyang pinagtataguan sa Quezon City noong Miyerkoles ng gabi. Ayon sa ulat, natunton ng Tracker Team ni NPD District Director P/BGen. Josefino Ligan ang 43-anyos na si alyas “Ipe” na kabilang sa talaan ng most wanted persons ng Manila Police District (MPD), matapos inguso ng isang impormante. Dakong alas-9:30 ng gabi nang matimbog ng mga tauhan ni District Investigation and Detective Management Division (DIDMD) head P/Col. Allan Umipig ang suspek…
Read MoreMOTORSIKLO SUMEMPLANG SA BATANGAS, 2 TODAS
BATANGAS – Patay ang dalawang kabataan nang sumemplang ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Maharlika Highway, Brgy. Balibago, sa bayan ng Lian sa lalawigan noong Miyerkoles, ng gabi. Kinilala ang mga biktimang sina JR Manalo Calixtro, 22, nagmamaneho ng motorsiklong Suzuki Raider 150, at John Carlo Gomez, 20, angkas, kapwa residente ng Brgy. Real, Calatagan, Batangas. Ayon sa report ng Lian Police, dakong alas-9:50 ng gabi, nawalan ng kontrol sa manibela ang nakainom na driver habang papunta sa bayan ng Lian, at posibleng dahil sa madulas na kalsada. Malubhang napinsala sa…
Read MoreUmararo sa 5 sasakyan sa Imelda Avenue LASING NA JEEPNEY DRIVER KAKASUHAN NG CAINTA LGU
KAKASUHAN ni Mayor-elect at Cainta municipal administrator Keith Nieto ang jeepney driver na nawalan umano ng kontrol at inararo ang mga sasakyan sa kanyang unahan na nagresulta sa pagkasugat ng limang indibidwal sa kahabaan ng Imelda Avenue noong Miyerkoles. Ayon sa ulat, dalawang kotse at isang motorsiklo ang binangga ng driver ng jeep na may rutang Binangonan-Sta. Lucia. “Tinutukan ko ang kaso mo kahapon. Nakainom ka pala habang nagmamaneho. Siniguro ko lang na masampahan ka at makulong sa perwisyong nagawa mo sa mga nasaktang tao at nasirang sasakyan. Pinabigyan ko…
Read More