QUEZON – Patay ang isang lalaki habang tatlo ang sugatan matapos sumalpok ang isang pampasaherong bus sa kasalubong nitong cargo van sa Maharlika Highway, Brgy. Angeles sa bayan ng Atimonan sa lalawigan noong Miyerkoles ng gabi. Ayon sa report ng Atimonan Police, nangyari ang insidente dakong alas-8:30 ng gabi nang tangkaing iwasan ng isang Philtranco bus na patungong southern direction, ang isang tumawid na pedestrian. Subalit nahagip at nasagasaan din ang pedestrian na nagdulot ng pagkamatay nito bago pa man mairating sa ospital. Dahil naman sa pag-iwas, sumalpok ang bus…
Read MoreAuthor: admin 3
TORRE NEXT PNP CHIEF – MALAKANYANG
PINILI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Criminal Investigation and Detection Group Director Maj. Gen. Nicolas Torre III upang maging susunod na pinuno ng Philippine National Police (PNP). Ito ang inanunsyo ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa press briefing sa Malakanyang, araw ng Huwebes. “The turnover of command will take place on June 2,” ayon kay Bersamin. Papalitan ni Torre si PNP chief Gen. Rommel Marbil na nakatakdang magretiro sa June 7. Isang miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) Tagapagpatupad class of 1993, si Torre ay nagsilbi bilang…
Read MoreBERBERABE BILANG SOLGEN TINUKURAN SA KAMARA
TINUKURAN ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kay University of the Philippines (UP) Law Dean Darlene Marie Berberabe bilang bagong Solicitor General (SOLGEN). Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, “highly qualified” si Berberabe sa nasabing posisyon na dating hawak ni Menardo Guevarra na kabilang sa mga pinagsumite ng courtesy resignation ni Marcos at kalaunan ay tinanggap. “Newly appointed Solicitor General Berberabe is stepping in at a critical moment, and I have no doubt she is ready. Her legal expertise, leadership, and…
Read MoreTEVES BALIK-PILIPINAS
BALIK na sa Pilipinas ang pinatalsik na kinatawan ng Negros Oriental na si Arnulfo Teves Jr. matapos payagan ng Timor Leste. Kahapon ng umaga ay isinakay si Teves sa chartered plane mula sa Timor Leste at dumating sa bansa ng hapon. Nanindigan naman si Atty. Ferdinand Topacio na dapat dalhin sa Maynila ang kliyente niyang si Teves. Sa mga unang impormasyon kahapon, lalapag ang sinakyan ng dating kongresista na Philippine Air Force plane na may tail number 142 sa Davao International Airport para magre-fuel. Giit ni Topacio, kahit saan mag-landing…
Read MoreBUWAYA SA AIRPORT BUSOG NA NAMAN
BISTADOR ni RUDY SIM LIKE father like son ika nga na tila namana ng isang mataas na opisyal ng Bureau of Immigration (BI) mula sa kanyang ama na dating lawyer ng ahensya, kung paano gumawa ng pagkakaperahan sa airport na ngayon ay nakatalaga sa NAIA bilang deputa at bata ‘di umano ni Kume. Putok sa NAIA ang umano’y kabalastugan nitong si alias “Monmoy Palaboy” na kung umasta umano ay parang nabili na nito ang matitinong immigration officers at target nitong ipahamak ang mga bagitong IO na wala pang masyadong kaalaman…
Read MoreLUMANG SULAT SA MAKABAGONG MUNDO
GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN SA itaas ng karatula ng istasyon ng Shaw Boulevard, may nakasulat na Baybayin. Tahimik lang itong nakalagay sa ilalim ng mga karaniwang letra, parang bulong mula sa nakaraan. Sa unang tingin, pwedeng isipin na disenyo lang ito o logo. Pero para sa mga nakakikilala, may mas malalim itong kahulugan. Ang Baybayin ay bahagi ng ating kasaysayan. Ito ang paraan ng pagsusulat ng mga ninuno natin bago pa man dumating ang mga dayuhan. Binubuo ito ng mga kurba at linya na may dalang kahulugan at…
Read MoreKAYA NG PINOY NA MAGING DISIPLINADO
DPA ni BERNARD TAGUINOD MULA nang ibalik ang No Contact Apprehension Policy (NCAP) noong Lunes, nagkaroon ng disiplina sa Commonwealth Avenue, Quezon City patunay na kayang sumunod sa batas ang mga motorista kapag may kinatatakutan sila. Dati, maiinis ka sa lansangang ito dahil kaskasero ang motor riders na bigla na lamang susulpot sa harapan mo at ika-cut ka nila bukod sa lahat ng lane ay ginagamit nila kahit may nakatalagang linya para sa kanila. Pero noong ibalik ang NCAP, hindi na umaalis sa motorcycle lane ang mga rider at wala…
Read MoreMAJ. GEN. TORRE INAAYAWAN NA MAGING PNP CHIEF?
PUNA ni JOEL O. AMONGO AGAD mapapasabak sa malaking trabaho ang uupong bagong hepe ng Pambansang Pulisya na papalit kay Philippine National Police (PNP) chief, General Rommel Marbil. Ang tinutukoy po natin na malaking trabaho ay ang paghuli kay Rafael Dumlao III na dating opisyal at pinuno ng PNP-Anti Kidnapping Group na itinuturong sangkot sa pagpatay sa Koreanong si Jee Ick Joo. Ipinag-utos ng pamahalaan ang paglulunsad ng isang manhunt operation laban kay Dumlao na suspek sa pagpaslang sa South Korean businessman noong 2016. Ibinaba ang direktiba nitong nakalipas na…
Read MoreODD-EVEN SCHEME SA EDSA HAHARANGIN
“ANG gobyerno, hindi dapat pabigat sa taumbayan.” Pahayag ito ni Agri party-list Rep. Wilbert Lee kaugnay ng odd-even scheme na ipatutupad ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa EDSA kapag sinimulan na ang rehabilitasyon nito sa June 19, ngayong taon. Ayon sa mambabatas, pinabibigat ng MDDA ang buhay ng mga motorista kasama na ang maliliit na negosyante kaya naghain ito ng resolusyon para ipasuspinde ang odd-even scheme sa panahon ng rehabilitasyon. Sa ilalim ng nasabing iskema, hindi pwedeng dumaan sa EDSA ang mga sasakyan na ang plaka ay nagtatapos sa…
Read More