1 pa sugatan LOCAL CANDIDATE, DRIVER PATAY SA AMBUSH SA PAMPANGA

NILIKIDA ng mga hindi pa nakikilalang gunmen ang isang kandidato sa pagka-konsehal sa bayan ng San Simon sa lalawigan ng Pampanga ngayong Sabado.

Dead-on-the-spot ang local bet na si Rogelio “Jon” Salvador sa pamamaril na naganap bandang alas-7:30 ng umaga sa San Simon-Baliwag Road sa Barangay San Miguel.

Ayon sa impormasyon ng mga imbestigador mula sa ilang saksi, sakay ng kanyang SUV si Salvador kasama ang hindi nakilalang driver nito at isa pang indibidwal. Ang mga salarin naman ay pasalubong sa mga ito na tumatahak sa kabilang lane ng national highway.

Bago umano nagtapat ang dalawang sasakyan ay pinaulanan ng punglo ng mga suspek ang sinasakyan ng mga biktima.

Hindi na umabot sa pagamutan si Salvador at ang kanyang driver habang pinalad namang makaligtas bagaman sugatan ang isa pa nilang kasama.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga salarin upang matukoy ang motibo ng mga ito sa pananambang. (JESSE KABEL)

1

Related posts

Leave a Comment