1 PATAY, 1 SUGATAN SA BAGYONG KARDING SA QUEZON

NAGTALA ng isang nasawi at isa ang nasugatan sa pananalasa ng bagyong Karding sa lalawigan ng Quezon.

Batay sa report mula sa Quezon PNP, nasawi ang 70-anyos na si Eli Alberto matapos matabunan sa landslide sa Sityo Subok, Barangay Aluyon, bayan ng Burdeos, dakong alas-7:30 ng gabi.
Narekober ng mga tauhan ng Burdeos PNP katulong ang mga barangay official ang katawan ng biktima nitong Lunes ng umaga.

Samantala, sugatan ang barangay kagawad na si Jonathan Santoalla matapos na mahulog mula sa bubong ng kanyang bahay sa Barangay Bañadero sa bayan ng Polillo, dakong alas 3:00 Sabado ng hapon.
Ayon sa report, nag-aayos ng kanyang bubong ang biktima bilang paghahanda sa paparating na bagyo nang aksidente itong mahulog.

Agad itong isinugod sa pagamutan sa Pilillo para malapatan ng lunas. (NILOU DEL CARMEN)

60

Related posts

Leave a Comment