1 PATAY, 1 SUGATAN SA RIOT NG KABATAAN

QUEZON – Patay ang isang 17-anyos na binata sa labo-labo ng walong mga kabataan sa Port of Polillo sa Brgy. Poblacion, sa bayan ng Polillo, sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang biktimang si Jennoel Garcia, residente ng Barangay Sibulan.

Ayon sa report, pasado alas-11:00 ng gabi nang magpang-abot ang dalawang grupo ng mga kabataan sa nasabing lugar na halos 300 metro lamang ang layo mula sa police station.

Naunang dumating ang grupo ng biktima subalit mula sa madilim na bahagi ng lugar ay sinugod ang mga ito ng apat na suspek kabilang ang isang alyas “Mark”, 19, na siyang may armas na patalim.

Nasaksak nito si Garcia at ang isa pang 22-anyos na biktimang si Alexis Santilices Salvador.

Isinugod ang mga ito sa ospital subalit nalagutan ng hininga si Garcia nitong Miyerkoles ng umaga.

Naaresto naman ng mga pulis ang suspek na si Mark at ang mga kasama nitong si alyas “John Paul”, 18, at dalawa pang menor de edad.

Nakakulong na ang dalawa sa Polillo police station locked-up cell samantalang nasa kustodiya ng Women and Children Protection Center ng Polillo Police ang dalawang menor de edad na suspek.

(NILOU DEL CARMEN)

256

Related posts

Leave a Comment