1 PATAY, 2 SUGATAN SA ATAKE NG PINSAN

CAVITE – Bunsod nang matagal ng kinikimkim na galit, pinagsasaksak hanggang sa napatay ng isang 27-anyos na lalaki ang kanyang kamag-anak at dinamay pa ang dalawa nitong pinsan kabilang ang isang 14-anyos na menor de edad sa Cavite City noong Linggo ng umaga.

Pawang isinugod sa Bautista Hospital ang mga biktimang sina Jan Angelo Cabaquit, 52;   Mark Allan Cabaquit, 21, at isang 14-anyos na binatilyo na  pawang residente ng Brgy. 32, Cavite City subalit namatay habang nilalapatan ng lunas dakong alas-6:45 ng umaga si Jan Angelo.

Arestado naman ang suspek na kamag-anak ng mga biktima na si John Vincent Cabaquit, 27, ng Brgy. 32, Cavite City.

Ayon sa ulat ni P/SMSgt. Jonathan Baclas ng Cavite City Police, dakong alas-5:30 ng umaga nang mangyari ang insidente sa bahay ng mga biktima sa P. Justo St., Brgy. 32, Cavite City.

Bigla umanong sumugod ang suspek na nasa katabing kuwarto lamang at armado ng kitchen knife saka walang sabi-sabing pinagsasaksak ang mga biktima.

Nabatid na ang puntirya ng suspek ay si Jan Angelo na umano’y may matagal nang kinikimkim na galit sa huli at nadamay lamang ang dalawang biktima.

Sa panayam kay P/Lt. Col. Gilbert Cruz, chief of police ng Cavite City Police, nagtanim ng galit ang suspek sa biktima dahil sa panliligaw ng huli sa girlfriend ni John Vincent. (SIGFRED ADSUARA)

69

Related posts

Leave a Comment