1 PATAY, 3 SUGATAN SA BANGGAAN SA CAVITE

0

CAVITE – Binawian ng buhay ang isang backrider habang sugatan ang driver ng motorsiklo, driver ng Mitsubishi Adventure at isang pasahero makaraang magbanggaan ang dalawang sasakyan sa Imus City noong Miyerkoles ng gabi.

Kapwa isinugod sa Medical Center Imus sina Ryan Chavez Lopez, 28; Vernon Hebron Ronquillo, 27; Roderick Pangan De Leon at Maria Dolores Baluyot De Leon, 55, ngunit idineklarang dead on arrival si Lopez.

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Carlo Punzalan ng Imus City Police Station, dakong alas-9:30 noong Miyerkoles gabi habang binabagtas ng Mitsubishi Adventure GLS Wagon na may plakang ABQ 1845 na minamaneho ni Roderick Pangan De Leon, ang kahabaan ng Buhay na Tubig Road patungo sa direksiyon ng Brgy. Bahayang Pag-asa nang makasalpukan nito ang minamanehong motorsiklong Yamaha Mio Sporty ni Ronquillo na binabagtas naman ang opposite direction patungo sa Aguinaldo Highway.

Bunsod nito, kapwa tumilapon sa kalsada ang driver at angkas ng motorsiklo na si Lopez habang nasugatan din ang driver ng Mitsubishi Adventure at misis nito na si Maria Dolores.

Ayon sa imbestigador, nakainom ang driver ng motorsiklo nang mangyari ang insidente. (SIGFRED ADSUARA)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment