1 PATAY, 4 SUGATAN SA BANGGAAN NG MOTOR

CAVITE – Patay ang isang rider habang sugatan ang isa pang rider at tatlong angkas nila nang magbanggan ang dalawang motorsiklo sa Gen. Trias City noong Linggo ng gabi.

Pawang isinugod sa Gen. Trias Medicare Hospital sina Aljon Mendoza, driver ng Suzuki Raider 150; angkas nito na sina Rey Mollon, at Laurence Gallardo; Geraldniel Delos Santos Carbilida, driver ng Honda XRM, at angkas nito na si Jaylord Delgado Famadulan ngunit idineklarang dead on arrival si Mendoza.

Ayon sa ulat, dakong alas-9:30 ng gabi nang mangyari ang insidente sa Arnaldo Highway sakop ng Brgy. Santiago, Gen. Trias City.

Minamaneho umano ng biktima ang kanyang motorsiklo at angkas si Mollon at Gallardo habang binabagtas ang Barangay San Francisco galing ng Barangay Santiago.

Minamaneho naman ni Carbilida ang kanyang motorsiklo at angkas si Farnadulan galing ng Mayor’s Drive sa kaliwa sa direksyon ng Arnaldo Highway patungo sa Barangay San Francisco.

Ngunit pagsapit sa pinangyarihan nang okupahan ng motorsiklo ng biktima ang opposite lane nagging dahilan ng head-on-collision ng dalawang sasakyan.

(SIGFRED ADSUARA)

180

Related posts

Leave a Comment