CAVITE – Patay ang isang tricycle driver nang nabangga ng isa pang tricycle nang pumasok sa isang one-way direction naging dahilan ng ‘head-on collision’ sa bayan ng Naic sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon.
Hindi umabot nang buhay sa ospital ang biktimang si Rio Almarion y Naldo, nasa hustong edad, ng Naic, Cavite.
Kinilala naman ang driver ng isa pang tricycle na Honda TMX na may plate number na 0410-0461915, na si alyas “Raymundo”.
Ayon sa ulat, dakong alas-5:40 ng umaga nang mangyari ang insidente sa harapan ng Naic Municipal Hall sa Brgy. Ibayo Silangan, Naic, Cavite.
Malubhang nasugatan si Almarion kaya hindi umabot nang buhay sa ospital.
(SIGFRED ADSUARA)
