1 PATAY SA KARAMBOLA NG 5 SASAKYAN SA QUEZON

QUEZON – Patay ang isang bicycle rider sa aksidenteng kinasangkutan ng 5 sasakyan sa Maharlika highway sa Barangay Talipan, sa bayan ng Pagbilao sa lalawigang ito, noong Biyernes ng hapon.

Batay sa report ng Pagbilao Police, inararo ng isang truck na nawalan ng preno ang isang biseklita, isang tricycle at isang pampasaherong jeep.

Galing pang Masbate ang six wheeler  truck na kargado ng mga baka, at patungo sa Candelaria Quezon, nang araruhin nito ang 3 sasakyan kabilang ang mountain bike na sinasakyan ng namatay na biktimang si Ronelito Parga, 48-anyos.

Sumunod na nasalpok ng truck ang tricycle na naitulak naman at bumangga sa isang kotseng Mitsubishi Mirage.

Nahagip din ng truck ang isang nakahintong pampasaherong jeep.

Isinugod pa sa ospital sa Lucena City si Parga subalit idineklarang dead on arrival ng doktor dahil sa grabeng pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

71

Related posts

Leave a Comment