10 KATAO HULI SA P.3-M SHABU

INANUNSYO ni Quezon City Police Director, P/BGen. Nicolas D. Torre III, ang pagkakaaresto sa 10 drug suspects na nakumpiskahan ng P355,640 halaga ng umano’y shabu sa magkakahiwalay na buy-bust operations na isinagawa ng iba’t ibang Station Drug Enforcement Units (SDEUs) ng QCPD noong Disyembre 27, Martes.

Sa buy-bust operation ng Payatas Bagong Silangan Police Station (PS-13) sa ilalim ng pamumuno ni P/Lt. Col. Roldante Sarmiento, ang mga suspek na sina Darnel Dasalia Edrozo, 52, at Ma. Magdalena Sudara Salonga, 37, ay naaresto dakong alas-5:00 ng hapon sa isang bahay sa General Francisco Street, Barangay Bagong Silangan, Quezon City. Nakumpiska sa kanila ang tinatayang 25 gramo ng umano’y shabu na may halagang P170, 000.

Sa buy-bust operation na isinagawa ng Galas Police Station (PS-11) sa pamumuno ni P/Lt. Col. Richard Ian T. Ang, ang mga suspek na sina Romeo Dela Cruz, 24, at Reynaldo, Pantoja, 24, ay naaresto dakong alas- 9:20 ng gabi sa Bagong Buhay St., cor. Bayani St., Barangay San Isidro, Quezon City at nakumpiska sa kanila ang P136, 000 halaga ng umano’y shabu.

Naaresto naman ng Cubao Police Station (PS-7) sa ilalim ng pamumuno ni P/Lt. Col/ Joseph Euje Almaquer, ang mga suspek na sina Archie Sulit, 40, at Karen Faypon, 42, dakong alas-5:20 ng hapon sa Aurora Blvd. corner C. Benitez St., Brgy. Kaunlaran, Cubao, Quezon City. Kumpiskado sa kanila ang tinatayang 5 gramo ng umano’y shabu na P34,000 ang halaga.

Nahuli ng Project 4 Police Station (PS-8) sa pamumuno ni P/Lt. Col. Leoben T. Ong, ang mga suspek na sina Annavel Kauyag, 48, at Jayson De Guzman, 42, dakong alas-11:45 ng gabi sa A. Luna St., Brgy. Bagumbayan, Project 4, Quezon City. Kumpiskado sa kanila ang 3 gramo ng umano’y shabu na may halagang P2,040.

 Nadakip ng Project 6 Police Station (PS-15) sa pamumuno ni P/Lt. Col. Norman T. Florentino, sina Marlon Baco, 35, at Michael Varja, 37, dakong alas-8:10 ng gabi sa Villa Socorro St., cor. Seminary Road, Brgy. Bahay Toro, Quezon City. Kumpiskado sa kanila ang 2 gramo ng umano’y shabu na P13,600 ang street value.

Ang mga suspek ay kinasuhan ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (JOEL O. AMONGO)

122

Related posts

Leave a Comment