10 OUTSTANDING MANGINGISDA KINILALA SA NAVOTAS

BILANG parte ng ika-118 Navotas Day celebration, binigyan ng lokal na pamahalaan ng Navotas ang top 10 most Outstanding Fisherfolk ng parangal sa taunang Araw ng mga Mangingisda.

Pinuri naman si Orlando Dela Cruz ng Barangay Tangos South bilang Most Outstanding Fisherfolk at ang ibang awardees ay tumanggap ng plaque of recognition, cash prizes at NavotaAs Ulirang Pamilyang Mangingisda Scholarship grants para sa kanilang mga family members.

Upang maging kuwalipikado at pumasok sa top 10 Fisherfolk, kailangan na registered Navoteño fisherfolk nominated nang kani-kanilang barangay at ng barangay fisheries and aquatic resources management council chairperson, outstanding citizens of their community, walang pending o ongoing cases at conviction nang kahit anong kaso o krimen at naging inspirasyon sa kapwa nila mangingisda.

Kasama sa mga nominado sina Rowena Faina ng Brgy. Tangos South; Hilario Encierto Jr., Brgy. Navotas West; Efren Abad, Brgy. Tangos North; Corazon Bayrante, Brgy. Tanza 1 at Joseph Barlan, Brgy. Navotas West.

Binigyan rin ng parangal sina Teotico Taruc ng Brgy. Tanza 2; Angelina Abad, Brgy. Tangos North; Patricio Manzano, Brgy. Tangos South at Analyn Letegio, Brgy. Tanza 2.

Samantala, nagbigay rin ang lokal na pamahalaan ng Navotas ng fiberglass boats at fishing gears sa 20 registered Navoteño fisherfolk sa pamamagitan ng NavoBangkabuhayan program.

Ang mga fiberglass boats ay may 16-horsepower marine engine at fishing equipment na kinabibilangan ng underwater fittings at ang mga beneficiaries ay tumanggap rin ng mga fishing nets, ropes at buoys.

Inilunsad ang NavoBangkabuhayan taong 2018 upang tulungan ang mga lokal na mangingisda na magkaroon ng maayos na kabuhayan at sariling mga bangkang pangisda.

“Fisheries is the pillar of our city. Navotas would not have reached its current success if not for its hardworking fisherfolk,” ani ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco.

“Aside from the recognition of the outstanding fisherfolk and NavoBangka turnover, Araw ng Mangingisda also featured competitions in boat racing and net mending”, dagdag pa ng alkalde.

(GUILLERMO OCTAVIO)

125

Related posts

Leave a Comment