10 SABUNGERO SA CAVITE BINITBIT SA TUPADA

CAVITE – Sampung sabungero ang binitbit ng mga tauhan ng Cavite Police nang maaktuhan habang nagsasagawa ng tupada sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan ng Cavite noong Linggo ng hapon.

Ayon sa ulat, dakong alas-5:00 ng hapon nang magsagawa ng operasyon ang Intelligence Operatives ng Bacoor City Police sa Brgy. San Nicolas II, Bacoor City, na nagresulta sa pagkakaaresto sa lima katao na pawang mga residente ng Brgy. San Nicolas III, Bacoor City.

Sa Imus City, limang kalalakihan din ang inaresto nang maaktuhan na nagsasagawa ng tupada dakong alas-5:30 ng hapon sa Brgy. Anabu 2-C ng nabanggit na lungsod. (SIGFRED ADSUARA)

43

Related posts

Leave a Comment