1,162 indibidwal arestado sa OTBT operation ILLEGAL GAMBLING TALAMAK PA RIN SA CALABARZON

ARESTADO ang 1,162 indibidwal sa isinagawang malawakang One Time Big Time (OTBT) operation laban sa illegal gambling noong Setyembre 6, 2022 sa Calabarzon region.

Ayon sa ulat, nagsagawa ang mga awtoridad sa rehiyon ng Calabarzon ng 496 na operasyon sa magdamag na nagresulta sa pagkakaresto sa mga nagsusugal katulad ng sabong, cara y cruz, pusoy, tong-its, lucky 9, mahjong, video karera, bookies at iba pang ilegal na sugal at nakumpiska ang P290,873 halaga ng taya ng mga sugarol, mananaya at operator.

Ayon kay PRO CALABARZON Acting Regional Director, Police Brigadier Jose Melencio C. Nartatez Jr., “We will not let these unlawful activities to proliferate in order to protect our citizenry from these illegal acts, particularly our children now that face to face classes have opened. They have no place in this region and we will hold all of them accountable to the law”.

Ang Calabarzon ay nangunguna sa 16 na rehiyon sa bansa na may pinakamaraming operasyon at nananatiling may pinakamaraming naaresto sa Simultaneous Anti-Illegal Gambling Operations. (CYRILL QUILO)

8

Related posts

Leave a Comment