12 SENADOR IPOPROKLAMA NGAYONG MIYERKOLES

TULOY na ang proklamasyon ng Commission on Elections (Comelec) sa 12 nanalong senador ngayong Miyerkoles subalit hindi pa matukoy ang final ranking habang nakabinbin ang resulta ng espesyal na halalan sa Lanao del Sur sa Mayo 24.

Ani Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, ang mga senador ay ipoproklama batay sa bilang ng kanilang boto.

“There will be no standing or ranking in the meantime since we will wait for the completion of Lanao del Sur [special polls],” sabi ni Laudiangco sa press briefing.

Aniya, ang Comelec ay gumawa na ng desisyon na ang natitirang boto na hindi pa naisusumite o na-transmit ay hindi na makakaapekto sa magic 12.

“Iyon pong Lanao del Sur, hindi na po natin mahihintay, mahirap hintayin, dahil 24 po ang Tubaran, ang special election. So, the most na makapagpadala po sila ng COC (Certificates of Canvass), baka po [May] 24. And therefore, kung saka-sakali baka po 24, 25, 26 tayo makapagproklama, kung hihintayin po natin,” sabi ni Comelec Commissioner George Garcia sa Laging Handa public briefing.

Magpapatuloy aniya ang canvassing kahit matapos ang proklamasyon ng 12 senador para matiyak na accounted ang lahat ng boto.

Sa partial at unofficial tally noong Lunes, ang top 12 senatorial candidates ay kinabibilangan nina Robin Padilla, Loren Legarda, Raffy Tulfo, Sherwin Gatchalian, Francis Escudero, Mark Villar, Alan Peter Cayetano, Miguel Zubiri, Joel Villanueva, JV Ejercito, Risa Hontiveros, at Jinggoy Estrada. (RENE CRISOSTOMO)

121

Related posts

Leave a Comment