12TH OFW & FAMILY SUMMIT 2023 UMARANGKADA SA LAS PIÑAS

Umarangkada kaninang umaga sa lungsod ng Las Pinas ang Ika 12th OFW & Family Summit 2023 na may temang Masaganang Kabuhayan para sa OFWs and Families.

Mahigit sa 3,000 OFWs ang dumalo ngayong taon kasama ang Villar Foundation officials na nagtatag nito na sina dating Senate President Manny Villar, Senadora Cynthia Villar, Senador Mark Villar at Congresswoman Camille Villar.

Layunin nito na kilalanin ang kabayanihan at sakripisyo ng mga OFWs at turuan sila na harapin ang panibagong subok sa buhay kung saan tuturuan sila ng Villar Foundation kung paano magkaroon at mapalago ang kanilang kabuhayan at maging isang entrepreneur.

Bukod dito, bilang pasasalamat sa OFWs, mamamahagi ang Villar Foundation sa pamamagitan ng raffle draw ng isang house and lot, dalawang motorsiklo, appliances at grocery packages bilang paninimula sa kanilang maliit na negosyo.

Dumalo din sa naturang okasyon si Department of Migrants Workers ( DMW) Acting Secretary Hans Cacdac, at OWWA Administrator Arnel Ignacio.

(DANNY BACOLOD)

170

Related posts

Leave a Comment