13 KATAO NALASON SA ALIMANGO SA HANDAAN

PANGASINAN – Umabot sa 13 katao ang isinugod sa ospital nang makaranas ng matinding pananakit ng tiyan, pagsusuka at diarrhea matapos kumain ng seafoods sa isang handaan sa Barangay Bacnar, San Carlos City sa lalawigang ito.

Ayon sa report, dumalo sa birthday party ang mga biktima at kumain ng handang seafoods na nakalagay sa bilao na inorder sa isang online seller sa bayan ng Mapandan.

Subalit matapos ang kainan, nakaramdam ng mga sintomas ng food poisoning ang mga biktima, kabilang ang may kaarawan.

Sa panayam sa binilhan ng seafoods, inamin nito na hindi na fresh o sariwa ang mga alimango na binili niya sa kanyang mga supplier.

Ayon naman kay Pangasinan Provincial Health Officer Dr. Anna de Guzman, maaaring napanis ang alimango dahil ang mga pagkain na may sarsa ay madaling masira.

(NILOU DEL CARMEN)

404

Related posts

Leave a Comment