13 VIETNAMESE INARESTO SA ILLEGAL HEALTH SPAs

INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang 13 Vietnamese nationals dahil sa pag-o-operate ng illegal health spas at clinic sa Metro Manila.

Sinakote ang mga ito sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon ng mga kawani ng Immigration intelligence agents sa Makati City, Parañaque City, at Pasay City.

Batay sa nakalap na impormasyon, walang maipakita ang mga inaresto na working visa at permit galing sa pamahalaan para sa operasyon ng kanilang clinic at spa.

Nahaharap ang mga ito sa kasong kriminal dahil sa paglabag sa Philippine Immigration Act of 1940.

Pansamantalang dinala ang grupo sa BI Facility Detention Center sa Taguig City habang on-going ang proseso ng kanilang kaso.

(FROILAN MORALLOS)

 

112

Related posts

Leave a Comment