14 DAYS QUARANTINE SA TRAVELLERS PINABABALIK

IMINUNGKAHI ng isang health expert ang pagsasailalim muli sa 14 days quarantine ng mga international traveller na pumapasok sa bansa kasunod ng nakaambang panganib sa bagong COVID-19 variant na Omicron.

Ayon kay Dr. Tony Leachon, dating tagapayo ng pamahalaan, dapat ding dagdagan ang mga bansang iba-ban partikular ang mga nakitaan ng naturang variant.

“Dapat iyan repasuhin at ibalik sa mas mahigpit na quarantine kasi itong ganitong mga variant, nag-i-increase ang transmission nito,” ayon kay Leachon sa panayam ng ABS-CBN’s TeleRadyo.

Sa kasalukuyan, ang mga biyahero mula sa mga bansa na nasa ‘yellow list’ at bakunado na kontra COVID-19 ay kailangang sumailalim na lamang sa tatlong araw na quarantine pagdating sa Pilipinas, kung may negatibo silang RT-PCR test, 72 oras bago ang kanilang biyahe.

Aniya, kailangang iprayoridad ang pagba-ban sa mga biyahero galing ng Hong Kong matapos madiskubre ang Omicron variant sa naturang teritoryo. (RENE CRISOSTOMO)

2

Related posts

Leave a Comment