14 KATAO BINITBIT SA ILLEGAL QUARRYING

NASADLAK sa likod na rehas na bakal ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na indibidwal makaraang madakip sa illegal quarrying sa lalawigan ng Rizal.

Kinilala ni NBI Director Medardo De Lemos ang mga suspek na sina Dadis Perselin, Randel Salac, Mark Benly Ramos, John Francis Rellores, Ricardo Hernal, Prudencio Mira, Joel Agner, Edilberto Cillo, Joeobert Villeza, Aldrin Mirasol, Leo Gallardo, Jay Agner, Peter Sordivillo, at Dennis Luzura, pawang mga residente ng Rodriguez, Rizal.

Ang 14 katao ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 7943 o “Philippine Mining Act of 1995”.

Napag-alaman sa ulat ng NBI, ang umano’y illegal quarrying activities ay isinasagawa sa pangangasiwa ng Rodrock Aggregates Corporation.

Dahil dito, iniutos ng provincial government ng Rizal, na ang lahat ng nag-ooperate ng mining activities ay pansamantalang ipatigil muna.

Nabatid sa rekord ng NBI-EnCD, kasama ang DENR-MGB Region IV-A, sumalakay ang mga awtoridad sa erya na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Ang mga nadakip ay sinampahan ng kaso sa Office of the Provincial Prosecutors sa Taytay, Rizal. (RENE CRISOSTOMO)

129

Related posts

Leave a Comment