150 KABAHAYAN NATUPOK SA MAYNILA, PASAY

MAGPAPASKO’T bagong taong walang tahanan ang hindi bababa sa 150 pamilya makaraang masunog ang kanilang kabahayan sa magkahiwalay na insidente sa mga lungsod ng Maynila at Pasay.

Unang natupok ang isang residential area sa San Andres Bukid sa Maynila kung saan mahigit sa 100 pamilya ang nawalan ng kanilang tahanan.

Ilang minuto lang ang pagitan, sumiklab naman ang isa pang sunog sa Barangay 87 sa Pasay kung saan 20 kabahayang tinutuluyan ng 50 pamilya, ang nilamon ng apoy.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), hindi naging madali ang pag-apula ng sunog na umabot pa sa ikatlong alarma, dahil sa masikip na lansangan.

Ganap na alas-9:00 ng gabi nang ideklarang fire under control ang dalawang insidenteng patuloy pang iniimbestigahan ng kawanihan.

Pansamantalang inilagak ang mga apektadong pamilya sa mga itinalagang evacuation centers ng lokal na pamahalaan.

4

Related posts

Leave a Comment