156 KILO NG MARIJUANA BRICKS HULI SA KALINGA

HALOS umabot sa P20 milyong halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine National Police na nagbabantay sa nakalatag na checkpoint sa Barangay Calanan, Tabuk City, Kalinga.

Ayon kay Police Capt. Ruff Manganip, spokesman ng Kalinga Police Provincial Office, nasa 156 dried marijuana bricks na tumitimbang ng isang kilo ang bawat isa, ang kanilang nakumpiska sa ikinasang checkpoint sa Barangay Calanan.

Sinasabing itinawag sa kanila ang isang kahina-hinalang passenger van na nakalusot sa checkpoint ng Commission on Elections sa Barangay Dinakan, Lubuagan na nasa ilalim din ng Kalinga Police Station.

Kinilala ang naarestong suspek na si Benjamin Fajardo Bauto na taga Nueva Ecija, na siyang driver ng van.

Ayon kay Capt. Ruff Manganip, ang suspek ay kabilang sa high-value targets list ng Philippine Drug Enforcement Agency.

(JESSE KABEL RUIZ)

290

Related posts

Leave a Comment