16 NPA PATAY SA MILITAR

BIGO ang Communist Party of the Philippine at ang kanilang armadong galamay na patampukin ang kanilang ika-55 anibersaryo nang malagasan sila ang 16 armadong kadre matapos na makasagupa nila ang militar.

Kasabay nito ay nagpaliwanag ang Armed Forces of the Philippines na walang dahilan para igalang ang dalawang araw na unilateral ceasefire na idineklara ng CPP-NPA, kasunod ng pagkakapaslang sa siyam pang rebeldeng NPA noong mismong araw ng Pasko.

Kinumpirma ng AFP na napatay ang 9 na hinihinalang komunista noong araw ng Pasko sa gitna ng dalawang araw na ceasefire o tigil putukan na idineklara ng CPP, matapos na magsagawa ng military offensive ang kanilang 4th Infantry Division, umaga noong Lunes laban sa suspected members ng NPA sa mga barangay sa Malaybalay City, Bukidnon.

Ayon sa Eastern Mindanao Command (EastMinCom), sa pamumuno ni LtGen. Greg T. Almerol, naglunsad sila ng combined operation sa pangunguna ng Joint Task Force (JTF) Diamond, laban sa Sub-Regional Committee 2 (SRC2), Headquarters Loader, at Regional Sentro De Gravidad (RSDG) Compaq na pawang nasa North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC) sa bulubunduking bahagi ng Malaybalay City.

Nabatid na bago ang nasabing sagupaan ay may dalawa ring NPA ang napatay ng military at nasundan pa ng pitong NPA napatay sa sagupaan sa Barangay Malalay, ng mga tauhan ng 59th Infantry “Protector” Battalion laban sa mga rebeldeng kumikilos sa nasasakupan ng Army 2nd ID.

(JESSE KABEL)

222

Related posts

Leave a Comment