17 DEATH TOLL KAY JOLINA

0

KINUMPIRMA ng National Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na 17 na ang bilang ng reported deaths sa pananalasa ng bagyong Jolina sa iba’t ibang bahagi ng bansa habang pito ang iniulat na nawawala.

Ngunit tatlo pa rin ang kasalukuyang kinukumpirma ng NDRRMC na namatay sa bagyong Jolina na umano’y na-validate ng DOH na namatay talaga sa bagyo, habang apat naman ang nawawala.

Ayon kay NDRRMC Exec. Dir. Ricardo Jalad, ang nadagdag sa talaan ng mga namatay ay ang mga mangingisdang sina Almario Mingueto, 63, at Bobby Villavicencio, 46, kapwa ng Barangay Tungib sa Buenavista, Marinduque.

Kasama sila ng 21-anyos na si Jovert Garay na unang naiulat na namatay dahil sa paglubog ng kanilang bangkang pangisda noong nakaraang Martes.

Karamihan din sa 14 napaulat na namatay ay mga mangingisda at may pito katao pa ang nawawala.

Sa kabuuan, 81,048 pamilya na binubuo ng 313,373 indibidwal, ang naapektuhan ng nagdaang bagyo, na naminsala rin ng 8,924 kabahayan.

Samantala, sabi pa ni Jalad, 2,780 pamilya o 11,145 indibidwal sa Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon at Cordillera Regions ang naapektuhan ng bagyong Kiko.

Wala pa namang iniulat na namatay sa pananalasa ng ika-11 bagyo na pumasok sa bansa ngayong taon. (JESSE KABEL)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment