17 DELTA VARIANT NATUKOY SA LAGUNA

LAGUNA – Umakyat na sa 17 kaso ng Delta variant ng COVID-19 ang natukoy sa lalawigang ito, ayon sa ulat ng Provincial Health office nitong Martes.

Naitala ang nasabing bilang matapos lumabas ang resulta sa isinagawang genome sequencing makaraan ang halos tatlo hanggang apat na linggong paghihintay.

Hindi na tinukoy kung saang lugar nagmula ang mga pasyenteng nagkasakit.

Sinabi ni Provincial Health Officer Dr. Rene Bagamasbad, nakarekober na ang mga pasyente ngunit isasailalaim pa rin sa swab test para mahanap ang kanilang mga naging close contact.

Samantala, minamadali na ang pagbabakuna sa lungsod ng Calamba upang maabot ang herd immunity.

Ayon kay Calamba City Health Officer Dr. Adelino Labro, target ng lokal na pamahalaan na makapagbakuna ng halos 4,000 indibidwal kada araw alinsunod sa direktiba ng Department of Health

Kaugnay nito, inumpisahan na ang pagbabakuna ng single dose na Jansen (Johnson & Johnson) para sa mga senior citizen at may comorbidities o kabilang sa A2 Priority Group.

Sa huling talaan ng Calabarzon COVID Tracker noong Hulyo 21, mayroon nang kabuuang 1,991,625 indibidwal ang nakakumpleto sa una at ikalawang dose ng bakuna, habang 681,461 senior citizens na ang nabakunahan at 582,268 indibidwala na may comorbidities ang nabakunahan. (CYRILL QUILO)

169

Related posts

Leave a Comment