17 VIETNAMESE CREW NASAGIP SA LUMUBOG NA BARKO

NASAGIP ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police Maritime Group (PNP MARIG) ang 17 Vietnamese crew ng Vietnamese-flagged general cargo vessel, VIET HAI STAR, na lumubog ang kalahating bahagi sa karagatan ng Balabac, Palawan.

Ayon sa PCG, lulan ng barko ang 4,000 tons ng bigas nang sumadsad sa tinatayang 810 yards ng Balabac Port.

Umalis ito sa Ho Chi Minh City, Vietnam, patungo sa Cagayan de Oro City nang matuklasan ng mga tripulante ang pagtagas sa starboard side ng bow noong Martes ng gabi .

Agad naglunsad ng joint search and rescue (SAR) operation ang PCG at PNP MARIG para matiyak ang kaligtasan ng mga dayuhang crew.

Narating nila ang katubigan sa paligid dakong alas-9:45 ng gabi at sinuri ang katayuan ng mga tripulante at ang distressed vessel.

Sa initial assessment, natuklasan ng crew na ang unang compartment ay pinasok ng tubig.

(JOCELYN DOMENDEN)

178

Related posts

Leave a Comment