19 SUSPECTS TIMBOG SA ONE-DAY ANTI-DRUG OPS NG LAGUNA PNP

LAGUNA – Arestado ang 19 indibidwal sa isinagawang one day anti-illegal drugs operations ng Laguna PNP noong Biyernes.

Ang one day anti-illegal drugs operations ng Laguna PNP ay nagresulta sa pagkakaaresto sa 19 drug personalities, sa isinagawang 14 operasyon sa buong probinsiya, kumpiskado naman ang 9.62 gramo ng hinihinalang shabu at 52 gramo ng hinihinalang marijuana, na may kabuuang halaga na umabot sa P46,190.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng kanya-kanyang operating units ang naarestong mga suspek habang ang kumpiskadong mga ebidensya ay isusumite sa Crime Laboratory para sa forensic examination.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5 (pagbebenta ng ilegal na droga) at Section 11 (pag-iingat ng ilegal na droga) na nakapaloob sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang kampanya ng Laguna PNP laban sa ilegal na droga ay maigting na iniimplementa ng pulisya ng Laguna, sa pamumuno ni Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO, sa tulong at suporta ng pamayanan lalong-lalo na ng Barangay Intelligence Network (BINs) sa iba’t ibang barangay sa lalawigan ng Laguna. (CYRILL QUILO)

19

Related posts

Leave a Comment