19 SUSPEK TIKLO SA ‘ONE DAY OPERATION’ SA LAGUNA

LAGUNA – Umabot sa 19 indibidwal ang naaresto ng mga awtoridad sa lalawigang ito sa One-day Operational Accomplishment ng Laguna PNP noong Disyembre 11 – 12 , 2022.

Ayon sa ulat kay Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO, sinimulan ang apat na iba’t ibang operasyon mula alas-4:00 ng madaling araw noong Disyembre 11, 2022 hanggang alas-4:00 ng madaling araw noong Disyembre 12, 2022 sa buong lalawigan.

Arestado ang 4 na indibidwal at nakumpiska sa mga ito hinihinalang shabu na may timbang na 0.55 gramo at tinatayang P5,720 ang halaga.

Habang sa anti-illegal gambling operation ay nakapagtala naman ng 5 operation laban sa illegal number games at naaresto ang 14 na personalidad at nakumpiska ang bet money na umabot sa halagang P29,735.

Ang isinagawang manhunt operation naman ay nagresulta sa pagkaaresto sa isang no. 1 most wanted person, provincial level.

Ayon sa pahayag ni P/Col. Silvio, “Matagumpay na naisasagawa ang mga operasyon dahil po sa tulong ng mga mamamayan ng Laguna, ipinapakita lamang dito na ang pulis at mamamayan ‘pag nagtulungan ay may resultang kapayapaan at kaayusan sa buong lalawigan”. (CYRILL QUILO)

32

Related posts

Leave a Comment