PATAY ang dalawang taong gulang na batang lalaki nang mahulog sa malaking kaldero na may kumukulong sabaw ng batchoy sa Barangay Pantalan, sa bayan ng Carles, na kilala sa kanilang masarap na La Paz Batchoy, sa lalawigan ng Iloilo.
Ayon kay Police Lt. Col. Arnel Solis, ang tagapagsalita ng Police Regional Office 6, kalunos-lunos ang sinapit ng paslit na naglalaro matapos na pansamantalang bitiwan ng kanyang ina.
Lumitaw sa pagsisiyasat, pansamantalang inilapag ng ina ng paslit ang kaldero sa lupa dahil may iba pa itong lulutuing putahe.
Subalit hindi umano namalayan ng ina na napunta na ang kanyang anak malapit sa malaking kaldero at aksidenteng na-shoot ito.
Mabilis ding naitakbo sa pagamutan ang biktima subalit nalagutan din ng hininga habang nilalapatan ng lunas dahil sa fourth degree burn sa buong katawan.
(JESSE KABEL RUIZ)
68