2 ARAW NA SPECIAL VACCINATION DRIVE, INANUNSYO NG DOH

INANUNSIYO ng Department of Health (DoH) ang isasagawang dalawang araw na special COVID-19 vaccination drive na tinawag na “Bakunahan Bayan II”.

Magsisimula ang nasabing vaccination drive sa Disyembre 5 hanggang Disyembre 7 na ang target ng bakuna ay ang mga bata na nasa edad lima hanggang 7 taong gulang.

“Ang target po natin dito ay more of the 5-11 years old and the first booster. Para ma-reach natin ‘yung target natin for 5-11 and the booster doses,” pahayag ni Health Usec. Nestor Santiago.

Base sa datos ng DoH, nasa 73.6 milyong Pilipino na ang nakakumpleto na ng kanilang primary series ng COVID vaccine hanggang noong Nob.17

Ngunit 20.8 milyong Pilipino pa lamang ang nakatatanggap ng kanilang unang booster shots.

Sa kabila ito ng paglulunsad ng “Pinalakas campaign” sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr., na naglalayong makamit ang 50% na mga karapat-dapat na populasyon na may first booster.

Ibinaba ang nasabing target sa 30%, ilang araw bago matapos ang kampanya noong Okt. 8, at ika-100 araw ng kasalukuyang administrasyon.

Nauna nang sinabi ni DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire hinggil sa plano na final special vaccination drive  ngayong taon, nananatili silang umaasa na mas maraming tao ang magdedesisyon na magpabakuna o magpalakas habang nakikita ng bansa ang bahagyang pagtaas ng mga kaso sa nakaraang linggo. (RENE CRISOSTOMO)

18

Related posts

Leave a Comment