2 ARESTADO SA P244M SHABU SA CAVITE

CAVITE – Tinatayang umabot sa P244 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa arestadong dalawang suspek sa isinagawang buy-bust operation sa Imus City noong Sabado ng gabi.

Kinilala ang dalawang arestado na sina Datu Ali Sampulna y Dayo, 38, at Almira Sampulna y Karao, 30, online seller, kapwa ng Poblacion 7, Cotabato City.

Ayon sa ulat ni Corporal Archie Agustin ng Imus City Police Station, dakong alas-7:20 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng PDEG, SOU 4B (lead unit), at Imus CPS sa Block 1, Lot 66, Happy Homes, Brgy. Buhay na Tubig, Imus City, na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Nakuha sa mga suspek ang tinatayang mahigit sa 36 kilo ng hinihinalang shabu  na may street value na P244,800,000, boodle money, dalawang IPhone, notebooks, iba’t ibang identification cards, at remittance receipts. (SIGFRED ADSUARA)

31

Related posts

Leave a Comment