2 ARESTADO SA PEKENG MOTORCYCLE ACCESSORIES

PINAG-IINGAT ng pulisya ang mga motorcycle rider sa pagbili ng pekeng accessories na kalat sa merkado makaraang arestuhin ang isang Chinese national at helper nito na nakumpiskahan ng daan-libong halaga ng pekeng items sa kanilang tindahan sa Divisoria, Tondo, Manila.

Arestado si Jenifer Ong, 21, sekretarya ng kumpanyang Sky–Light Motorcycle Parts and Accessories Trading Store sa loob ng isang mall sa Divisoria, Maynila gayundin ang helper na si Mario Sendona, 38.

Base sa ulat ni Police Major Edward Samonte, hepe ng District Investigation ng Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT), bandang 4:30 ng hapon nang salakayin ang tindahan sa isang mall sa Claro M. Recto Avenue, Divisoria base sa reklamo ng isang Wilmar Ramirez.

Sa pagsalakay, natuklasan ang kahon-kahon  ng JRP seat cover; anim na kahon ng JRP handle grip; dalawang crates ng JRP key chain; at isang sako ng JRP handle bar cover na tinatayang may kabuuang halaga na higit P100,000.00.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 155 (Trademark Infringement) at Section 168 (Unfair competition) ng RA 8293 (Intellectual Property Rights). (RENE CRISOSTOMO)

50

Related posts

Leave a Comment