2 BARKONG PANDIGMA IBINIGAY NG US PARA SA WPS

SA gitna ng umiinit na tensyon sa karagatang sakop ng West Philippine Sea bunsod ng patuloy na panggigipit ng China sa pinag-aagawang mga teritoryo, nagdagdag ng dalawang barkong pandigma ang Philippine Navy sa kanilang armada.

Ito ay matapos ang pagbabasbas at commissioning ng dalawang cyclone class warship na ibinigay ng United States government sa Pilipinas na ginastusan ng P780 million.

Mismong si Defense Secretary Gilberto Teodoro at US Ambassador to the Philippines Mary Kay Carlson ang nanguna sa pagbibinyag sa BRP 178 Ladislao Diwa at BRP 177 Vicente Diaz.

Ayon kay Sec. Teodoro, lubhang kailangan ng Pilipinas ng dagdag na maritime asset, sa katunayan ay isinusulong niya ang isang malakihang modernisasyon sa Armed Forces of the Philippines lalo na sa Philippine Navy.

“Pinag-iisipan na po natin talaga, sinabi ko po sa ating chief of staff at ang kanyang staff, back to the drawing board tayo, sa mga rehorizining natin at restrategization po natin, kailangan ay ang modernisasyon ng hindi piecemeal, kailangan interoperable at kailangang ito ay magkakaroon ng deperensya sa ating credible deterrent posture, hindi ‘yung pakitang tao lamang, kung hindi tunay na modernisasyon, ito’y mahalaga dahil kung gugugol tayo para sa hiwa-hiwalay na mga sistema, ang suma total n’yan e malaki ano, ito antimano malaki pero at least synergistic,” paliwanag pa ng kalihim.

Pahayag naman ni Ambassador Carlson, “This ceremony symbolizes continued U.S. support for our Philippine Navy allies, who are on the frontlines defending Philippine sovereign rights in the South China Sea, or West Philippine Sea. But this transfer ceremony has much more than symbolic value.”

(JESSE KABEL RUIZ)

544

Related posts

Leave a Comment