2 BATA PATAY SA SUNOG SA VALENZUELA

PATAY ang dalawang batang magkapatid sa insidente ng sunog sa Valenzuela City nitong Lunes ng umaga.

Kinilala ang magkapatid na sina Linea Deocacion, 9, at Leana Casey Deocacion, 3-anyos.

Ayon sa ulat, kalahating oras lamang tumagal ang sunog sa Urrutia St., Brgy. Gen. T. De Leon, ng lungsod, na kumitil sa buhay ng mga batang nakulong sa banyo ng kanilang nasusunog na bahay.

Faulty electrical wiring ang sinasabing ugat ng sunog na umabot sa ikalawang alarma.

Lumabas umano ang ina ng mga bata na si Leny Rose Deocacion upang patayin ang fuse box ngunit hindi na ito nakabalik para iligtas ang mga anak dahil sa biglaang pagkapal ng usok at pagkalat ng apoy. (ALAIN AJERO)

14

Related posts

Leave a Comment