2 BIFF MEMBERS PATAY SA MAGUINDANAO ENCOUNTER

patay

CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao del Norte –Dalawang kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) Karialan Faction, ang napaslang matapos na makipagbarilan sa mga tropa ng 33rd Infantry (Makabayan) Battalion sa Brgy. Kuloy, Shariff Aguak, Maguindanao.

Kinilala ang isa sa mga napatay na si Omar Indong, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa pang kasama nito.

Ayon kay Lt. Col. Benjamin Cadiente Jr., commanding officer ng 33IB, isang payong-payong (tricycle) umano ang huminto ‘di kalayuan sa checkpoint ng mga sundalo sa nasabing lugar dakong ala-1:30 ng madaling araw.

“When the personnel of Bravo Company, 33IB were about to check the tricycle, the rider disembarked and suddenly fired towards the approaching troops which prompted them to return fire. Firefight lasted seven (7) minutes,” pahayag ni Lt. Col. Cadiente Jr.

Mabilis namang isinugod ang sugatang mga suspek sa Integrated Provincial Health Office – Maguindanao pero hindi umabot nang buhay.

Nakuha naman sa mga suspek ang isang kalibre .45 na pistola, magazine at mga bala, at isang unit ng payong-payong.

Ayon sa Shariff Aguak PNP, ang dalawa ay kasapi ng BIFF-Karialan Faction sa ilalim ng pamumuno ni Kumander Kamir Kambal alias “Mhedz”, at Kumander Abdulkarim Lumbatan alias “Boy Jacket”.

Sinabi ni Major General Roy Galido, commander ng 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central, hindi palalampasin ng mga tropa ng militar ang sino mang lalaban sa batas.

“For a couple of times, we have been calling those victims of violent extremism to lay down their arms and go back to the folds of the law to avoid circumstances like this, but some are not heeding it, at gusto pang makipaglaban sa ating mga awtoridad,” pahayag ni Maj. Gen. Galido.

Dahil dito, nasa anim na ang mga miyembro ng BIFF na napatay habang 175 ang nagbalik-loob sa pamahalaan simula noong Enero hanggang sa kasalukuyan. (JESSE KABEL RUIZ)

19

Related posts

Leave a Comment