2 DAYUHAN BUKING SA SHABU SA BI DETENTION CENTER

NABISTO ang tangkang pagpasok ng American at Korean national ng illegal drugs sa loob ng Bureau of Immigration (BI) Detention Center sa Bicutan, Taguig kamakailan.

Kinilala ni BI Warden Facility Officer-in-Charge Adelfo Marasigan ang mga dayuhan na sina Robert Wayne Boling, Jr., 41, at Kwon Hyeok Soo, 41, na nagtangkang magpuslit ng 2 sachets ng shabu na 7 gramo ang timbang noong Oktubre 4.

“The narcotic substance was found hidden inside a Korean stew that was delivered for Boling,” ani Marasigan.

Matatandaan, noong Setyembre 21, ang Korean national na si Yang Heejun ay nahulihan ng 4 gramo ng shabu na nakitang nakabalot sa plastic sa loob ng isang kimchi container.

Ayon kay Marasigan, ang mga ahente ng BI ay nagsimulang maghinala nang humiling ng food delivery si Boling na halos parehas din ng oras na nangyari noong nakaraang Setyembre kay Yang.

Napag-alaman na inamin ni Boling na ang pahintulot ay para sa delivery ng food supplies na ang totoong may-ari ng nasabing supplies ay si Kwon.

Sina Boling at Kwon ay inaresto dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (JOEL O. AMONGO)

15

Related posts

Leave a Comment