2 DRUG SUSPECTS KULONG SA P346K SHABU

BAGSAK sa kulungan ang dalawang newly listed drug personalities matapos makuhanan ng mahigit sa P.3 milyong halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Malabon Police chief, Col. Albert Barot ang arestadong mga suspek na sina Irene Flores, 42, ng Bisig ng Kabataan, Brgy. 2, Caloocan City, at Vincent Macapar, 27, ng Pampano St., Brgy. Longos.

Ayon sa imbestigasyon ni P/MSgt. Randy Billedo, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Alexander Dela Cruz, ng buy-bust operation sa Pampano St., Brgy. Longos.

Nagawa ni P/Cpl. Emiel Jay Cantos na nagpanggap na buyer, na makaiskor ng P7,500 halaga ng shabu kay Flores.

Matapos tanggapin ni Flores ang marked money mula sa poseur buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu, ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba, kasama si Macapar.

Nasamsam sa mga suspek ang tinatayang 51 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P346,800, at buy bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (FRANCIS SORIANO)

4

Related posts

Leave a Comment