CAVITE – Tinatayang halos kalahating milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa dalawang umano’y tulak na kapwa high value individuals (HVIs) ng pulisya, sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng Silang noong Lunes ng hapon.
Kinilala ang dalawang naaresto na sina alyas “Ed John” at “Ryan”, kapwa nasa listahan ng HVIs ng pulisya.
Ayon sa ulat, bandang alas-5:00 ng hapon, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) Cavite Police Provincial Office (PPO) at mga operatiba ng Silang Municipal Police, sa Brgy. Bulihan, Silang, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang suspek.
Nakuha sa kanila ang tinatayang 50 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P340,000, isang Android cellphone at buy-bust money.
Ang naarestong mga suspek ay nasa kustodiya na ng PDEU CAV PPO. (SIGFRED ADSUARA)
46