2 ILLEGAL RECRUITMENT VICTIMS NAHARANG SA NAIA

NAHARANG ng mga kawani ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dalawang overseas Filipino workers (OFWs) na pinaniniwalaang mga biktima ng illegal recruitment.

Ayon sa report, na-intercept ang dalawa noong Setyembre 7 sa NAIA Terminal 3 bago makasakay sa kanilang Cebu Pacific flight papuntang Bangkok, Thailand.

Batay sa impormasyon, ang dalawa ay nagkunwaring mga turista at magbabakasyon sa Bangkok ng ilang araw bago bumalik sa Pilipinas.

Ngunit sa isinagawang inisyal na imbestigasyon, hindi kumbinsido ang hepe ng BI Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) dahil hindi maipaliwanag ng dalawa ang kanilang travel itinerary sa Thailand.

Lalong naghinala ang mga tauhan ng TCEU dahil sa isinumiteng kaduda-dudang mga dokumento na siyang naging dahilan upang isailalim sila sa masusing imbestigasyon.

Kalaunan, inamin ng mga ito na papunta sila sa Cambodia at pinangakuan na tatanggap ng P40,000 sahod kada buwan mula sa kanilang employer sa nasabing bansa.

(FROILAN MORALLOS)

65

Related posts

Leave a Comment