2 LALAKI NALAMBAT SA SHABU

RIZAL – Sa kulungan na bubunuin ng dalawang kabataan ang kanilang buhay makaraang mahulihan ng 23.7 gramo ng umano’y shabu sa Brgy. Darangan, sa bayan ng Binangonan sa lalawigang ito.

Kinilala ni P/Lt. Col. Alfonso Saligumba, chief of police ng Binangonan MPS, ang mga suspek na sina Darius Leal y Fullantes alyas “Goods”, at John Vincent Lanara y Dela Cruz alyas “Talong”, pawang nakatira sa Brgy. Darangan.

Ayon kay P/Capt. Gady Mabanto, dakong alas-11:30 ng gabi nang ikasa ang buy-bust operation at hindi na nakaalma pa ang mga suspek nang makumpiskahan ng 10 sachet ng hinihinalang shabu na umabot sa 23.7 gramo at tinatayang P161,160 ang halaga.

Nasa kustodiya na ng Binangonan Police ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (KNOTS ALFORTE)

31

Related posts

Leave a Comment