2 LALAKI PATAY SA PAMAMARIL SA CAVITE

CAVITE – Naglunsad ng manhunt operation ang Cavite police laban sa mga suspek na bumaril at nakapatay sa dalawang lalaki sa Dasmariñas City noong Martes ng gabi.

Kinilala ang mga biktimang sina Melvin Felices at Jojo Vistal, kapwa nasa hustong edad, at namatay sa pinangyarihan ng insidente.

Ayon sa ulat, dakong alas-6:12 ng gabi, habang ang mga biktima ay nakatayo sa harap ng isang tindahan nang sumulpot ang isa sa mga suspek at pinagbabaril ang mga biktima. Nagsilbing look-out naman sa insidente ang isa pang suspek.

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo sa krimen at ang pagkakakilanlan ng mga suspek at mabilis na tumakas makaraan ang insidente. (SIGFRED ADSUARA)

146

Related posts

Leave a Comment