2 MIYEMBRO NG USMAN DRUG GROUP, NASAKOTE

CAVITE – Naaresto ng Cavite Police ang isang high value individual (HVI) at kasama nito na miyembro ng Usman drug group, sa ikinasang buy-bust operation sa Dasmariñas City sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon.

Kinilala ang mga suspek na sina Renzo Bilog y Ramos at Samuel Caunceran y Sammy, at kapwa nasa hustong edad.

Ayon sa ulat ni Corporal Mammol Cunanan ng Dasmariñas City Police Station, dakong alas-5:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang Philippine Drug Enforcement Unit (PDEU), Cavite Police Provincial Office, sa Brgy. Salitran 4, Dasmariñas City, na nagresulta sa pagkakaaresto kina Bilog at Caunceran.

Nakuha sa mga suspek ng 15 gramo ng umano’y shabu na may street value na P102,000 at buy-bust money.

Kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 ng RA 9165 ang kinahaharap ng mga suspek. (SIGFRED ADSUARA)

11

Related posts

Leave a Comment