2 NPA LEADERS NAPATAY NG MILITAR SA ILOILO

PATAY sa sagupaan ang dalawang sinasabing mga lider ng Communist Terrorist group-New People’s Army kasunod ng combat operation na inilunsad ng military sa lalawigan ng Iloilo.

Sa isinumiteng ulat na nakarating sa tanggapan ni Philippine Army chief Lt. General Roy Galido mula sa Army 61st Infantry Battalion, kinilala ang mga napaslang na sina Nahum Camariosa at alyas “Junjun” at “Cedrick”.

Si Camariosa, alyas “Rodel” at “Bebong”, ay isang mataas na pinuno ng NPA Southern Front Committee sa Panay Island.

Una rito, napatay ng mga sundalo ng 61st IB ang isa pang NPA chieftain sa Barangay Cawilihan bandang alas-7:30 ng umaga noong Huwebes.

Pinaniniwalaang sangkot ito sa ilang engkwentro sa southern Iloilo province.

Ang kanyang namang anak na si Rena Rhea ay napatay sa isang sagupaan noong Pebrero 2024 sa San Joaquin at tatlong kasamahan nito ang namatay sa bayan ng Miag-ao.

Si Junjun ay miyembro ng Regional Sentro de Gravidad (RSDG).

Bukod sa dalawang bangkay ng dalawang rebeldeng NPA, narekober din ng tropa ang tatlong M16 rifle, isang M14 rifle, isang AK-47 rifle, at isang anti-personnel mine.

Pinuri ng 3rd Infantry Division ang mga tropa sa kanilang tagumpay at ang mga residente sa pagpapaalam sa militar.

(JESSE KABEL RUIZ)

56

Related posts

Leave a Comment