2 NPA PATAY SA ENGKWENTRO SA NEGROS OCCIDENTAL

PATULOY na nababawasan ang armadong galamay ng Communist Party of The Philippines nang malagasan na naman sila ng dalawang New People’s Army cadre sa nangyaring sagupaan sa Negros Occidental, ayon kay Lt. General Benedict Arevalo, pinuno ng AFP Visayas Command.

Sa isinumiteng ulat ni 3RD Infantry Division Commander Major General Marion R. Sison, bandang alas-4:25 hapon noong Martes nang mangyari ang sagupaan sa Barangay Yao-Yao, Cauayan sa Negros Occidental sa pagitan ng 15th Infantry Battalion at nalalabing mga kasapi ng NPA’s weakened guerilla front, Southwest Front sa ilalim ng Komiteng Rehiyon Negros, Cebu, Bohol at Siquijor (KR NCBS).

Ilang minuto lang ang nakalipas muling nagkaroon ng sagupaan sa nasabi ring barangay nang matunton ng mga sundalo ang tumatakas na grupo.

Ang dalawang sagupaan ay nagresulta sa pagkamatay ng dalawang hindi pa kilalang NPA terrorist na inabandona ng kanilang mga kasamahan.

Bukod sa dalawang hindi pa nakikilalang bangkay na nakuha ng mga sundalo sa encounter sites, narekober din ng dalawang high-powered firearms at iba pang war materials, kabilang ang M653 rifle, isang M14 rifle, isang caliber .45 pistol, isang anti-personnel mine with blasting cap, magazines para sa M14, various ammunition, medical paraphernalia, personal belongings, and subversive documents with high intelligence value.

Sinasabing ang nabanggit na grupo ay nakasagupa rin ng mga tauhan ng 47th Infantry Battalion sa Barangay Tabugon, Kabankalan City noong nakalipas na buwan na ikinamatay ng anim na NPA.

Base sa record, ang nabawing caliber .45 pistol ay pagmamay-ari ni Sgt. Jhoerom Meguillo, isa sa dalawang sundalong namatay mula sa nasabing yunit nang tambangan sila sa nasabi ring barangay noong Abril 3, 2021.

Samantala, ilang araw ang nakalipas ay sumuko naman ang apat na kasapi ng SWF, bitbit ang isang high-powered firearm na isinuko sa 15th Infantry Battalion.

Pinapurihan naman ni Major General Marion R. Sison ang Team 302nd Brigade at Team 15th Infantry Battalion. “These are strong and positive indications that declaring the SWF as dismantled and, subsequently, Negros Island as insurgency-free is within reach”.

“The unrelenting pursuit of our troops leading to this series of encounters is a clear manifestation of their firm commitment and dedication to end the local communist armed conflict in the region the soonest possible time” ani Lt. Gen. Arevalo

“Let me reiterate that we do not take pride in taking the lives of our own people. This is the reason why we persistently call upon them to lay down their arms and return to the folds of the law while they still can,” dagdag pa ni Arevalo.

(JESSE KABEL RUIZ)

290

Related posts

Leave a Comment