2 PATAY, 20 SUGATAN SA KARAMBOLA NG 14 SASAKYAN

LAGUNA – Dalawa ang patay habang 20 ang sugatan, kabilang ang tatlong nasa kritikal na kondisyon, matapos na magkarambola ang 14 na sasakyan sa National Highway, Brgy. Real, Calamba City, sa lalawigang ito, noong Sabado ng ng hapon.

Ayon sa report ng Calamba City Police, nagsimula ang karambola nang mawalan ng preno ang isang mixer truck at araruhin ang tatlong kasalubong na sasakyan at ang 10 iba pa na nasa unahan nito dakong alas-5:00 ng hapon.

Kabilang sa mga nasangkot sa karambola ay apat na kotse, isang SUV, tatlong van, dalawang pampasaherong jeepney at tatlong tricycle.

Ayon kay Lt. Col. Melanie Martinez, hepe ng Calamba City Police,  ang mga namatay ay dalawang babaeng pasahero ng isa sa mga tricycle.

Kritikal naman ang kalagayan ng lalaking nagmamaneho nito at dalawang iba pa na hindi pa matukoy kung saang sasakyan nakasakay.

Ikinostudiya naman ng Calamba City Police ang driver ng truck na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, multiple physical injuries at multiple damage to properties. (NILOU DEL CARMEN)

80

Related posts

Leave a Comment