2 PATAY SA AKSIDENTE SA CAVITE

CAVITE – Patay ang isang 61-anyos na lola at isang 28-anyos na motorcycle rider sa magkahiwalay na aksidente sa kalsada sa lalawigang ito.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Perpetual Medical Center sa Biñan City ang biktimang si Ma. Fe Franco y Bornes, 61, vendor, ng Brgy. Pulido Extension, GMA, Cavite. Habang dead on arrival sa Estrella Hospital si Fidel Benosa, 46, ng Mendez, Cavite.

Ayon sa ulat, minamaneho ni Marlon Angeles Pucio, 28, ng Riverside Santo Niño, Paranaque City, ang kanyang Isuzu Rebuilt na may lifter aluminum wing van na may plakang  CAT 4944, at binabagtas ang Governor’s Drive, Brgy. Bulihan, Silang, Cavite.

Pagsapit sa isang intersection ay pinatigil siya ng isang traffic enforcer dakong alas-4:30 ng hapon.

Nang muli nitong paandarin ang kanyang sasakyan, dito niya nasabitan ang matanda na nakatayo sa pedestrian.

Minamaneho naman ni Benosa ang kanyang motorsiklong Yamaha Mio habang isang Isuzu Giga dump truck naman ang minamaneho ni Jerel Trinidad  De Leon, 31, ng Sta. Maria Bulacan, at kapwa binabagtas ang Aguinaldo Highway galing north patungong South direction  (Tagaytay City) dakong alas-2:10 nitong Miyerkoles ng madaling araw .

Nang biglang nag-signal ng red light kaya tumigil si Benosa. Nakabuntot naman ang minamanehong dump truck ni De Leon subalit hindi kaagad nakatigil dahilan upang mabangga nito ang rider na nagresulta sa kamatayan ng nito. (SIGFRED ADSUARA)

281

Related posts

Leave a Comment