2 PUGANTENG CHINESE NABITAG NG BI

BUMAGSAK sa mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Chinese national na wanted sa Beijing dahil sa pagkakadawit sa mga kasong fraud.

Batay sa report na ipinarating kay Immigration Commissioner Jaime Morente, kinilala ang mga suspek na sina Sun Feng, 43-anyos, at Xia Yaqin, 44-anyos.

Naaresto ang mga ito noong Martes sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Immigration Fugitive Search Unit (FSU) sa Santa Rosa, Laguna.

Ayon kay Morente, si Sun ay agad na pababalikin sa China sa bisa ng Summary Deportation Order na inisyu ng BI Board of Commissioners noong Marso 2019.

Nabatid sa impormasyon na nakalap mula sa Interpol’s National Central Bureau (NCB) sa Manila, si Sun ay mayroon warrant of arrest na inisyu ng Municipal Public Security Bureau sa Jiangyin, China noong pang Enero 7, 2012 kaugnay sa kasong fraud o investment scam noong siya ay high-ranking officer pa ng Chinese government-owned bank, 10 taon na ang nakararaan.

Napag-alaman na si Sun ay dating director ng Chinese government bank, kung saan kumita ito ng 145 milyon yuan, katumbas ng 21.6 milyong dolyar mula sa bank depositors sa pamamagitan ng fraudulent high-interest loan scheme.

Ayon kay BI-FSU Acting Chief Rendel Ryan Sy, si Xia ay mayroon ding nakabinbin na warrant of arrest na inisyu ng Jiangyin Municipal Public Security Bureau noong Marso 5, 2012.

Dagdag pa ni Sy, sina Sung at Xia ay nakapagtago sa bansa ng sampung taon sa tulong ng kanilang kapwa Chinese, upang makaiwas sa pananagutan ng batas sa kanilang bansa. (FROILAN MORALLOS)

87

Related posts

Leave a Comment