2 RAPE SUSPECTS NASILAT

NATIMBOG ang dalawang lalaking may kasong rape sa mga lungsod ng Navotas at Valenzuela.

Kapwa dinakip noong Nobyembre 2 ang mga suspek na sina  Evegar R. Garcia, binata, 31, ng Brgy. Tanza 1, Navotas City, at Wendell B. Colao, 22, istambay, ng Brgy. Gen T. Deleon, Valenzuela City.

Sinakote si Garcia sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Emmanuel D. Laurea, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 169, Malabon City, na may petsang Abril 18, 2016 para sa kasong rape.

Samantala, dinamba si Colao sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Mateo B. Altajeros, Presiding Judge, Family Court Branch 16, Valenzuela City, noong Nobyembre 2, 2022 para sa kasong  statutory rape. (ALAIN AJERO)

23

Related posts

Leave a Comment