2 RAPIST NASAKOTE NG PNP-PRO5

0

DALAWANG lalaki na pawang wanted sa krimeng panggagahasa sa probinsya ng Camarines Norte, ang nadakip sa mas pinatinding na kampanya kontra wanted persons ng PNP Police Regional Office 5.

Ayon kay PNP-PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo, kinailangang

dumayo pa sa Barangay Sta. Maria, Guinayangan, Quezon ang mga operatiba ng Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO) upang tugisin ang ika-pito sa municipal most wanted person (MMWP) ng Sta. Elena, Camarines Norte na kinilalang si Luis Bruto y Reobilo, 40-anyos, may asawa at tubong Sitio Nagsingi, Barangay San Pedro ng nasabing bayan.

Ang suspek ay naaresto noong Linggo ng hapon sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng RTC 5th Judicial Region Branch 64, Labo, Camarine Norte para sa kasong 2 counts ng rape na walang inirekomendang piyansa.

Samantala, ayon kay PNP-PRO5 Public Information Office chief, P/Major Malou Calubaquib, nadakip din sa inilatag na manhunt operation ng pulisya, katuwang ang Governor’s Task Force at Provincial Highway Patrol Team, ang ikatlo sa municipal most wanted persons ng Daet na si Jerry Bacea y Delagua alyas “Jun” dakong alas-6:00 ng gabi sa Purok 4, Barangay Pamorangon, Daet, Camarines Norte.

Nadakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest mula sa Regional Trial Court Branch 40, Daet, Camarines Norte para sa kasong rape na may kaugnayan sa paglabag sa RA7610 (child abuse). Wala ring inirekomendang piyansa para sa nasabing kaso.

Ang dalawa ay nasa kustodiya na ng pulisya ng Bicol upang sumailalim sa dokumentasyon at disposisyon. Ipinaalam din sa mga naaresto ang dahilan ng kanilang pagkakahuli pati na rin angkanilang mga karapatan.

“Ang buong hanay ng PNP ay nananatiling nakamatyag sa bawat sulok ng Bicol upang tiyakin ang kaligtasan sa rehiyon. Ang mga wanted person na ito ay nagkasala sa batas at nararapat lamang nilang

pagbayaran ang kanilang pagkakasala. Nais nating manaig ang katahimikan at pag-unlad sa ating pamayanan kaya naman ating tututukan ang pagresolba ng kriminalidad sa ating kapaligiran,” pahayag ni Bicol PNP chief, P/BGen. Estomo. (JESSE KABEL)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment